Sunday, March 09, 2014

Bakit?

Bakit ba minsan sa buhay, 'di mo alam ang gusto mo? Dahil ba minsan ay nadadala ka lamang ng mga panandaliang pakiramdam? O dahil ba patuloy kang umaasa sa isang bagay na alam mong hindi mangyayari?

Bakit ba minsan sa buhay, pakiramdam mo ay may napaka-laki na puwang na hindi mo malaman kung ano? Na dahil dito, hindi mo magawang maging masaya dahil kada bukas mo sa isang pintuan ay nababawasan ng kabiguan ang kagalakang naka-salubong?

Bakit ba minsan sa buhay, parang walang kasiguraduhan ang nangyayari sayo? Na kahit anong pilit mo tanawin ang maari mong marating, bigla bigla na lamang lumalalabo ang paningin mo o minsan pa'y napapa-pikit ka nalang bigla.

Bakit ba minsan sa buhay ay parang wala lang lahat? Lahat ng nangyare kahit na naging masaya naman ang mga nagdaan. Dahil ba masyado ka lang naging bangkang papel na nagpadala masyado sa agos?

Bakit ba minsan sa buhay ay para kang hangin? Na bigla mo na lamang maiisip na mas mabuti pa ang utot, napapansin.

Bakit ba minsan sa buhay ay hindi mo na alam ang gagawin mo? Na kaunting kaunti na lamang ay malu-luka ka na.

Bakit ba minsan sa buhay ay nagmumukha ka nang ewan, na sa isang punto ay parang nawawalan na ng saysay ang lahat? Dahil ba napaka-madikit iyong pandikit mo at sila ay naka-blutac o masking tape lang?

Bakit ba minsan sa buhay ay kailangan pang mag-drama kung pupwede ka namang laging maging masaya?

Bakit ba?

No comments:

Post a Comment